Mahal bakit hindi na lang tayo magsimula ulit sa bagong istorya at itapon at kalimutan ang pait at sakit ng dating tapos na.

Patatawarin kita at papatawarin mo ako, mahal kita at alam kong mahal mo rin ako, kaya ano pa ba ang problema? Patawarin natin ang isa’t isa para tayong dalawa ay masaya at wala ng problema.

Dahil ngayon alam natin pareho sakit at hinanakit ramdam natin pareho. Pero dahil sa tigas natin pareho walang gustong umamin talaga ng totoo.

Hahayaan na lang ba? Na ang nararamdaman para sa isa’t isay tuluyan ng mawala na? Mahal ipaglaban mo ako, kahit huli na toh, at pangako. Ilalaban ko kung anong dapat meron tayo kahit isang balde pa ang naiyak ko, maibalik lang ang dating tayo, sige susugal pa ako.

👏🏻👏🏻👏🏻