Kamusta ako?
Categories Depression

Kamusta ako?

Sa kwarto, kung saan madalas ako’y nag uubos ng oras at napaparito
Tila ang dilim ang aking naging sandalan kung paano ko nilampasan ang unang kabanata ng aking panimulang tula.
Sa pangawalang pagkakataon natuto na akong kumain ng lungkot  mabusog sa luha at damhin ang simoy ng negatibong bagay kung saan akoy nasanay na ng walang malay.
Pinakita, pinaramdam at ipinaras sakin ng buhay kung papaano sa punto na parang nabubuhay ka na lamang na parang patay.
Matutulog ka ng malungkot at gigising sa reyalidad kung saan ang mukha mo ang laging naka busangot.
Mag iisip hanggang sa maintindihan kung bakit ang buhay natin ay ganyan, Sa murang edad tayo ay may kanya kanyang bitbit na responsibilidad kung paano ang buhay ay sobrang bigat.
Lahat sila nagtatanong bakit ka nagka ganyan? bakit ka nagbago? Ngunit di nila inisip ang mga katanungang bakit niyo ko ginanito? Bakit niyo ko binago?
Nasa kabila ng aking nagawa, na aking inambag sa inyong buhay bakit? Bakit ang pagbalik ng utang na loob ay siya ding pagtagas ng aking lamang loob na aking mas ikina dudurog?.
Nasa bawat paghinga ko ay para bang utang na kailangan kong pagbayaran ng lungkot at makipag talo sa utak kong baluktot.
Marahil sa dami ng aking sinabi ni isang salita ay walang makakaintindi, dahil paano nga naman maiintindihan ang aking mga salita kung sa aking nararamdaman  pa lang ay marami nang humuhusga.
Ang aking presensiya ang naging sandata sa bawat sandali na para bang ang aking kalooban ay sinesentensiya ng mga alingawngaw sa aking utak na walang konsensiya.
Hanggang sa nagkaroon ng sariling utak ang aking damdamin kung saan ako’y kontrolado na ng hangin, parang isang sanggol na walang lampin na animoy sagad sagadan kong damhin ang pait at sakit na ibinato ng hangin.
Wala na nga siguro akong ginawang tama, Dahil sa umpisa pa lang ng aking paglabas sa mundong  walang patas ay parang ipinagkait na sakin ang unang katas, Katas ng kaligayahan na mamuhay na walang kapalit na matulog na walang dinadamang sakit.
Pero siguro hanggang dito na lamang ang aking tula na ito, Dahil marahil isa, dalawa o tatlo na lamang ang handang makinig sa likod ng aking buhay na nakakalito.
Kaya naman sa huling tinta , huling salita at huling letra mas ninais kong pumikit habang ang aking sarili ay sinasabit sa tali ng aking kwarto, magpapalitan ng iyak, hinagpis at katanungang “bakit ko nagawa ito?” pero ni isa sainyo tinanong ba ako kung kamusta ako?