Kamusta Na Ang Puso Mo? -TR
Categories Depression

Kamusta Na Ang Puso Mo? -TR

Kapag gusto ko magsulat, alam ko na bago na ang nararamdaman ko, bagong yugto, bagong ako para sa bagong araw at bagong pagkakataon…

Sa totoo lang, ang tagal ulit bago ako nakasulat muli. Dahil Oo, kapag gusto ko magsulat, alam ko malungkot ako.. alam ko sa sarili ko na kailangan ko lang ilabas gamit ang lapis at papel.. kaya lang, sa tuwing hawak ko na ang mga ito, hindi ko matapos tapos ang nauumpisahan ko.. paulit-ulit, paulit-ulit…laging nasa umpisa lang ulit…

Hanggang sa naisip ko na.. Oo ng apala noh? Hindi na pala ako malungkot. Oo nga pala, hindi na ako yung dating ako, ang dating ako na kada salita.. hugot ang nabibitawang salita. Wala na, wala na ang dating ako. Kasi tinapos ko na ang malungkot na mundo. Pero mahal ko ang pagsusulat, bakit ako titigil dahil lang sa wala na kong maramdamang lungkot sa puso ko? Kung pwede naman ako maka tulong sa ibang tao?

Kaya ang ginawa kong ginawa para makaramdam muli,

Nanonood ako ng iba’t ibang pelikula, Nakinig sa malulungkot sa musika… Nakinig ng kung ano anong problema… pero bigo nanaman ako.

Hanggang sa naisip ko, bakit puro pag ibig na lang ang naiisip isulat ng mga tao?

Bakit hindi ko bigyang buhay ang mga taong nalulungkot pero hindi alam ang dahilan? Mga taong bigla na lang umiiyak dahil lang sa mabigat na nararamdaman…

Oo. Alam ko.

Ikaw, Oo, Ikaw na nagbabasa nito, ikaw na hindi aamin pero alam mo na ikaw.

Ikaw na sinasabing mahina, ikaw na sinasabihan nila na emosyonal, ikaw na sinasabihan na nagiinarte lang. Ikaw na sinasabihang baliw o ikaw na naghihintay lang daw ng aliw…

Oo, Sana. Sana nagiinarte na lang tayo. Sana nag iinarte na lang tayo kapag maraming tao, kapag nandiyan ang mga kaibigan, akala mo masaya ka, na kahit ang gaan gaan naman talaga ng mundo, kapag ikaw na lang mag isa, bakit parang.. pasan pasan mo na ito?

Bakit kapag mag isa ka, gusto mo na lang mawala sa mundo? Bakit kapag mag isa ka ang sakit sakit ng puso mo?? Nakatitig sa kawalan, hindi alam kung ano na ang kinabukasan na nakalaan.. Hanggang sa babangon ka na lang, wala kang magagawa kundi ang lumaban na lang.

Araw-araw tayong pumapasok sa trabaho.. iba’t ibang tao ang nakakasalamuha mo, naka ngiti, naka tawa, minsan pa nga ikaw pa nga ang dahilan ng mga ngiti nila… Pero hindi nila alam na ang taong madalas mas pasaya ng iba, siya rin ang sobrang umiiyak kapag mag isa na siya.

Mahirap, sobrang hirap. Dahil iniisip mo ang sasabihin ng mundo. Kailangan ganto ka, kailangan ganyan ka, kailangan eto ka para tanggapin ka nila… BAKIT? Bakit natin sila kailangan pakinggan? Bakit natin kailangan sundin? Bakit natin sila kailangan pansinin?

Tama na, Tama na.

Huwag mo na parusahan ang sarili mong puso. Huwag mo na hayaang masaktan ka ng mga taong hindi importante sa buhay mo, tignan mo yung mga taong nasa tabi mo, sila yung mga taong mahal na mahal ka pero ang nakikita mo, yung taong nasa likod nila.. yung sasabihin nila.

Subukan mong linawin ang tingin, mahal mo sa buhay ang iyong lingunin.. Nandiyan lang sila naghihintay, umaasa na sana.. Magkwento ka naman ng buhay mo.

Kamusta na ang totoong ikaw? Kamusta ang puso mo?

Huwag kang matakot, makikinig ako. 😊

 

Photo By: TR

Words By: TR