Kape Puro
Categories Poetry

Kape Puro

Kay J,

Kahit sanay na’kong gumising
na sakto ang kaniyang ininit na tubig
para sa dalawang tasa…
May parte ka pa rin naman sa akin.
Iba ang lamig na dala ng umaga
kapag hindi sapat ang bagong taga-init.