Hindi ba’t tayo’y may kasunduan?
“Walang iwanan hanggang dulo, pangako yan!”
Ngunit bakit ngayon ay nag-iisa
Nangungulila sa iyong pagsinta
Bakit naiwan akong nag-iisa at sabik na sabik
Sabik sa iyong mga yakap at halik
Nangungulila at nanabik
Kahit na alam kong kailanma’y di na babalik
Pumikit ako at binalikan
Lahat ng alaalang pinagsamahan
Nagsimula nang ngiti mo ay masilayan
Hanggang sa nagkaroon ng “till death to us” part na kasunduan
Mahal naman, bakit kay bilis natupad ang kasunduang ginawa sa harap ng altar?
Till death do us part, mahal
Sa aking pagmulat, sa iyong puntod ako napatingin
Di pa rin makapaniwalang wala ka na sa akin
Napatingin ako sa langit at ula’y nagbabadya
Dapat pala ay umalis na rin maya-maya
Paalam, mahal
Di na rin ako magtatagal
Huwag kang mag-alala
Kakayanin ko pa naman
Handa pa rin naman akong isakatuparan
Lahat ng pangarap na ating napag-usapan
Hindi ba’t tayo’y may kasunduan?