Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Kaya ko palang burahin ang mga text messages mo.

Kaya ko palang burahin ang chat box natin sa Messenger at Viber.

Kaya ko palang burahin ang mga wallposts ko sa’yo sa Facebook.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Kaya ko palang burahin ang Twitter ko na ginawa ko para sa’yo.

Kaya ko palang burahin ang Tumblr ko na puro about sayo.

Kaya ko palang burahin lahat ng photo albums natin sa laptop, cellphone at sa cloud account ko.

Kaya ko palang tanggalin ka sa friend and follower lists ko.

Kaya ko palang hindi ka na kausapin.

Kaya ko palang tanggalin ang number mo sa phone ko kahit kabisado ko pa ‘yun.

Kaya ko palang gumising bawat araw na alam kong hindi na ako ang minamahal mo.

Kaya ko palang sabihin sa sarili ko na “Hindi na kita makakasama panghabang buhay.”

Kaya ko palang palayain ka.

At kaya ko palang wala ka sa buhay ko at masaya ako na nakalaya ako.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required