KILIG SUBSCRIPTION HAS EXPIRED

It started with a friend request, I did not expect that it would introduce me to this kind of feeling. So complex, it was sweet and painful at the same time. 

The first time na nag message ka inignore ko lang kasi di naman tayo personally magkakilala diba, tanging mutual friends lang naman nag connect satin, di rin kasi ako mahilig makipag chat with strangers. Weeks had past since inaccept ko yung friend request mo, naka follow pala ako sayo, nakikita ko posts mo sa newsfeed ko, it’s about nature, hiking, nakakatawang memes na bentang benta sakin, mga inspirational na shared posts mo, about life, about faith, most of all about God. I dunno what happened to me at napapa auto like ako, napapa wow at minsan napapa heart pa sa mga posts mo.hahah. Nagpapapansin na pala ako nun. And you know what kinilig din ako ng todo ng  pinusuan mo profile pic ko. Nanghinayang talaga ako na di ako nag reply sa chat mo noon. I feel kasi magkakasundo tayo (feelingera.haha). Nahihiya din akong mag initiate na i chat ka (super mahiyain po ako).  Kaya naman after months of being FB friends, occasional na palitan ng reactions sa posts ng bawat isa, nabigla ako ng nag message ka ulit. OMG. Nanlamig ako nun, kinikilig at kinakabahan at the same time. Akalain mo bang napansin mo ako ulit. Kaya kahit nanginginig kamay ko at ngarag ang brain cells ko kakaisip kung ano ang irereply ko. I gathered my courage and tried my best not to sound awkward sa reply ko. And voila!!Our first convo ever!!! halos di ako makatulog that night alam mo ba. From then on halos everyday na tayong magka chat. I always look forward sa mga good morning texts mo, walang palyang goodnight texts bago matulog, kamustahan everyday, palitan ng stories about each other, about our lives, sweet messages with flirting from time to time, exchange of corny jokes,  kahit nasa work ako i make time na maka reply sayo, ganun ka kalakas sakin. Na appreciate ko na hindi mo ko pinupuyat kakachat, di ka rin super sweet gaya ng iba na halos cringy na and creepy pa ang arrive, di ka rin clingy, ikaw yung sakto lang, just my type, my kind.  Minsan nga niro roast mo pa ako pero in a playful way, di nga ako na o-offend. There were times na sinasabi ko naman if lumalagpas na sa linya mga jokes diba? And you listened. You seemed like a nice guy and I really want to know you better, kaso di pa tayo pwedeng magkita personally dahil onboard ka ngayon. For now si FB at Messenger lang tulay natin. Pero aminadong na attach ako agad, you gained my attention, my trust, ang rupok ko sa part na to pramis. First time ko kayang maramdaman na parang ang special2x ko, na someone out there may nag aalala sakin, naghihintay na makausap ako, nami miss ako, NBSB kasi ako at mejo mailap din pagdating sa mga lalaki. Though may nag cha chat din naman sakin dati kaso di ko rin ini entertain, sabi nga nila grabe daw ang walls na binuild ko around my heart, nirereserve ko kasi to someone who really deserves it, ayoko sa laro laro lang ng feelings kaya hindi ako basta nagpapapasok ng kung sino lang. Pero pagdating sayo parang nagpa red carpet pa ako nung  dumating ka. Pinapasok kahit di bumayad ng entrance fee. Ewan….Di ko ma explain basta my heart likes you at gusto nyang ma connect sayo. Malandi rin, pero sayo lang. Sayo lang ako naglandi-back. Di ka naman gwapo, di ko nga type sa lalaki yung may bigote. Pero damn, halos lumabas heart ko nung nag send ka ng selfie mo, bat bigla kang gumwapo sa paningin ko? Bat nasesexyhan na ako sa bigote mo?Na excite nga ako nung inaya mo akong mag date kapag makababa ka na sa barko next year kasi I really want to know you more. hahah.Boom! Parang I like you na! 

 

Then…

After ilang months nang pag uusap na may halong panghaharot minsan, mukhang lumabo ata ang connection. Na sense ko na parang nag iba na ang vibe mo. Something was off. Di na nga ako nakapagpigil at tinanong na kita in a pabiro way kung ano ang problema, sagot mo wag lang ako magtaka dahil you’re still you. Paanong di ako magtaka? You were acting different. Gusto kong sabihin sayo yan that time kaso sino ba naman ako para mag demand ng explanation. Di mo naman ako jowa in the first place. Though you said you liked me sa mga previous chats natin nung mejo hype na hype pa tayo sa pag fi flirt sa isa’t isa. Hinarot mo lang naman ako kaya sino ako para magreklamo kung nagsawa kana sakin.

Yung dating halos di ko bitawan cellphone ko maka reply lang agad sayo, ngayon halos takot na ko mag on ng data kasi baka madisappoint ako na hindi mo ko china chat kahit online ka. Minsan sini seen mo lang na lang din messages ko. Mga reply mong sing ikli ng bangs ko at sing lamig ng yelo. Masakit kaya sa heart. Minsan nag ooverthink na ako, “ano nangyare bes?magpaparamdam ka pa ba?Nakahanap ka na siguro ng bagong kausap yung hindi boring tulad ko. Or siguro nag cha chat ulit kayo ng dati mong bebe na maganda na di ka jinowa or baka nagpapa miss ka.haha kasi kung oo sobrang effective, lumalabas na pimples ko kakaisip sayo. Haysss.

 

Napaisip ako na mag mo move on na ako.Nakakatawa kasi wala namang naging tayo. Kahit di mo ko jinowa, genuine naman yung bawat i miss you, ingat ka, God bless you messages ko sayo. Nag invest kaya ako ng feelings sayo, nalugi nga lang. Umasa kasi ako na baka meron, baka may patutunguhan to. Pokmaru to the bones talaga ako pagdating sayo! Pero kahit na bokya ako sayo, salamat pa din. Salamat kasi kahit di mo ko sinalo nung na fall ako, may nadiskubreng side naman ako ng self ko na di ko alam before ka pumasok sa buhay ko, like ganto pala ako pag nagkagusto sa isang tao. At least in the future mama manage ko na nang maayos yung emotions ko para naman maprotektahan ko tong puso ko. Hello? Greatest treasure ko kaya to!

 

Peace be with you! Goodbye!

 

 

By STAR

AWKWARD

Exit mobile version