Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Sana kahit matagal na mula nung nakilala kita ay pwede pa. Salamat dahil sa’yo, nabuhayan uli ang puso ko at nagkaroon uli ako ng bagong pag-asa na subukang muli ang magmahal.

Ang tagal ko ring malas sa pagmamahal, ilang beses na akong nasaktan, nangapa, nadapa, at nauwi rin naman sa wala nung sinubukan kong magmahal. Pero sayo, parang biglang gumuho ang mga pader ng puso ko at nahulog na ang loob ko sayo.

Sana pwede pa kahit malayo na tayo sa isa’t isa. Nandito pa rin ako, nagbabakasakali na sana pwede pa tayo at may pag-asa pa ako. Nandito lang ako at naghihintay na sana makita kita ulit.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Kung maging tayo, sayo lang ako at ang puso ko, at sana ay hindi maging hadlang ang distansya sa atin.

Salamat sa pagdating mo sa buhay ko at ingat ka palagi…

Send me the best BW Tampal!

* indicates required