KNTRT
Categories Relationships

KNTRT

Bigbigkasin muli kita.

simplehan lang naten ang kwento
walang maayos na eksenang
tila bang plinano ng direktor.
oo,dekada na mula nung makilala ka
pero di ko inasahan na
parang humigit tayo dun.
Di naman kasi din balak
dahil nuon pa man alam kong
mahihirapan akong timbangin ung
ikaw at ako.

Pero bakit pagdaan ng 10 taon
tsaka ako sumugal
sa alam kong palyadong laro?
Alamin ko man kung paano
didiskartehan para manalo
pero mas pinili kong
sumubok kahit medyo dehado.
Ngayon uulit ako muli
sa larong dati ko ng ikinatalo.

Wala na rin naman akong
nararamdamang pangamba
dahil alam kong puro at totoo
ang lahat ng naibigay ko.
OO di ako ung
babaeng mga tipo mo
kaya nga una palang
madali ko narin tinanggap
na balang araw
lilisanin mo rin
ako ng walang dahilan

Pero iisa lang ang totoo
Totoong naniniwala ako na
alam ko ang bawat letrang sinusulat ko
Bigkasin ko man to lahat
sa harapan mo
di ako magdadalawang isip
na humarap ulit sayo.

Dahil sa huli,
kung ako ma’y matalo sa larong ito
masaya kong masasabing
“mabuti nalang na ginawa ko”
kesa sa
“sayang sana sinubukan ko”

Sa totoo lang kilala naman kita
di ako dapat mag reklamo
dahil nuon pa man pinakita mo
kung sino at anong meron ka

Ikaw yung tipo na
gusto rektahan pero ayaw ng
kromprontahan

Ikaw ung nakikita kong
sa labas mukhang matatag
pero minsan kelangan parin ng
aruga

Kung nuon mas mahirap kang
sabayan
ngayon alam kong malawak kana rin
dahil sa dami mong
pinagdaanang saya at lungkot.

Nung minsan na nagbaka sakali
ako sayo
nagkamali na naman ako
di rin naman kita masisi

kung kaya iyong susumahin
ako’y sasabay lang din
sa kung saan tayo ay masisiyahan
masyado ng komplikado ang mundo
Masayang sulitin nalang natin ang
sa kung ano ang meron sa ngayon.

Sa huli magkahiwalay parin tayong
magdedesisyon.