Kung may iba na, hayaan mo na

Sa umaga hanggang sa gabi magkausap tayo
na para bang wala ng bukas kung magkwentohan
umaga sa inyo at gabi naman dito
minsan pa’y hindi na natin namamalayan yung oras na tumatakbo
masaya ako, sobrang saya ko sayo
ngunit biglang isang araw nagulat na lang ako
nasan na yung taong nangako sakin na hinding hindi magbabago?
Mga mahahabang kwentohan sa gabi
Mga matatamis na bawat pangungusap sa mga talata
ay nawala na lang bigla, bumitaw ka nalang bigla
Sa maulan at malungkot na araw
sumasabay yung mga mata kong punong puno ng luha
bigla akong napahinto, bigla akong nalito
bigla akong nanghina
nung may mensaheng dumating
tila ba nadurog ulit ng mas pino
noong mabasa ko ang mga bawat salita sa  telepono
“Alam mo bang may bago na siya?”
pitong salita, pitong salitang dumurog nalang bigla sa puso ko
kasabay ng pagpatak ng aking luha, ang malakas na ulan
tila bang sumasabay rin ang aking nararamdaman
sa lakas ng hangin tila bang tinangay ka na ng iba mula sakin
sobra akong nasasaktan
Kaya pala noo’y hindi ka na masaya kapag inaalayan ka ng kanta
kaya pala hindi ka na ngumingiti kapag sinasabi ko sayong mahal kita
kaya pala naging limang minuto nalang ang dating halos magdamag na kausap ka
umiiyak sa sakit, sa mga kaibigan ko’y nagpupumilit
na kausapin ka na sa huling pagkakataon saglit
matanong man lang kita ng bakit
bakit hindi mo na ako nahintay
bakit mo sinabing mahal mo ako kung dahil lang pala sa distansya natin tayo’y maghihiwalay
bakit mo pa pinatagal ng isang taon
kung bibitaw ka rin naman sa taong pinilit kang binabangon, sa lahat ng malungkot na pagkakataon
Nagpupumilit labanan ang sakit
nagpupumilit kalimutan ang bawat pait
ngunit hindi ko magawa, nais ko paring balikan ka
kahit alam kong umaasa na ako sa wala
alam ko ring nawalan na ako ng tiwala, tama nga ang sabi nila
na kung may iba na, hayaan mo na..

By Kiani Pascual

19. Live a little. Magmahal kung magmahal, kung nasaktan edi sulat ulit ng blog.

Exit mobile version