Dahil kagaya ng pagbibigay daan ng araw para sa buwan
Lahat ng bagay may tamang panahon at paraan
Lahat ng tanong may kasagutan
At lahat ng nangyayari ay may dahilan

Sa mga tanong na bakit, paano, saan at kailan
Sa mga bagay na walang kasiguraduhan
Kung pilit mo man panghahawakan
Sa huli masasaktan at masasaktan ka lang

Sa hindi inaasahang panahon at paraan
Doon kita natagpuan
Kung anong tanong ang nasagot ay hindi alam
At kung iibig muli ikaw ang naging dahilan

Maamong mukha, matamis na ngiti
Bungisngis mong tawa, malambot mong mga labi
Katangiang wala ka nang mahihingi
Bawasan na lang yun toyo kahit kaunti 
😂

Ngunit hindi lahat ay sigurado
Naging ikaw ang mundo ko subalit mas malaki pala ang sa’yo
Kinakaya mo ng wala ako
Pero, paano naman ako?

Yung mga tanong na bakit, paano, saan at kailan?
Unti-unting nabuo.

BAKIT ka pa dumating? PAANO kung aalis ka lang din?
SAAN ako pupulutin? At KAILAN….

KAILAN ko magagawang bitawan?

KAILAN ko mabibitawan yung akala ko sa “ATIN” na yun pala ay AKIN lang…..

Dahil siguro hindi pa tama ang panahon
Marami pang hinahanap na sagot
At mas may malalim pang dahilan kung bakit nangyari ang lahat

Kagaya ng pagbibigay daan ng araw para sa buwan
Lahat ng bagay may tamang panahon na nakalaan

Dahil ang mga panambitan ay matutugunan
Lahat ng paghihintay ay mayroong hangganan
Dahil doon sa dulo, sa may tipanan
Matatagpuan mo ang sa’yo ay nakalaan

Dahil lahat ng BAKIT, SAAN, PAANO at KAILAN
Ay unti-unting mapapalitan
mapapalitan ng mga katagang:

“DAHIL lahat ng daan ay patungo sayo”
“DITO magsisimula ang bagong yugto”
“GANITO pala ang sayang mararamdaman ko”
“NGAYON na yung tamang tao na yung kapiling ko”

Dahil tama na ang panahon at nakita ko na ang daan
Ikaw ang sagot sa lahat ng katanungan
Sa likod ng lahat ng nangyari ikaw pala ang dahilan
Oras na para buwan naman ang magbigay daan