Kwento Nating Dalawa
Categories Poetry

Kwento Nating Dalawa

Kwento Nating Dalawa

Tangina, miss na kita.
Nasan kana ba?
Mahal, uwi kana.
Pwede pa ba?

Naalala mo ba nung una,
Nung sinabi mong “Ano ba?!”
Akala ko puro ka laro,
Yun pala hindi na ‘to biro.

“Ayoko” ang sabi ko
Ngunit hindi ka sumuko.
Pinaghirapan mo ang bawat saglit
Upang ako ang maging kapalit.

Sa wakas, mahal, ako’y sa iyo
Pinatunayan mo na hindi ka lumayo.
Binigay mo ang unang mga yakap
Panginoon ko, ito pala ay masarap.

Mahal, Madalas tayo mag date.
Walang pake kahit sa tusok tusok.
Pagalitan man kung umuwi ng late
Hindi bale, ito’y isa lamang pagsubok.

Palagi tayong nagkukulitan,
Umabot pa nga sa puntong nagkakasakitan.
Walang tigil ang ating tawanan,
Habang tayo ay nasa higaan.

May mga sumubok na sa atin ay kumuha
Naranasan na ang pagtulo ng unang luha.
Tila ba ang daming nakapila,
Pero mahal, ikaw ang bigay ng mga tala.

Tumagal ng apat na taon,
Isang napakahabang pagkakataon
Upang ipaglaban ang isa’t isa
Sa kadahilanang mahal na mahal kita.

Pero patawad mahal ko
Isa itong bawal na pagibig
Ngayon ako na ang sumusuko
Ako’y aalis na sa iyong mga bisig.

Ikaw ay lumayo na sa akin
Pwede ba? Wag ka na maging iyakin.
Pero sa loob ng mahigit kalahating taon
Ikaw parin Mahal, sa puso ko, ang Kampeon.

Sumubok na ang “tayo” ay muling ibalik
Pati mga bagay na dating sabik na sabik
Ngunit ang sabi mo “Malaya ka na”
Wala na palang pag-asa ang mga Sana

Patawad mahal ko.
Alam kong nagkamali ako
Pero para sayo ang mga salita
Mahal na mahal parin kita.