LARO, PAGBANGON, PAGHIHINTAY, PANINIWALA
LARO———–
Laru-laru-an huwag kang pumayag na ganyan.
Na ang puso ay ini-iwang sugatan.
Huwag hayaang malunod ang katotohanan na para sa iyo ay may nakalaan.
Isang taong kaya kang ipaglaban!
Tagutagu-an ay huwag mong haya-an.
Huwag kang pumayag sa MU MUhan.
Ang MU – ay hindi lang mutual understanding o pagkakaintindihan.
Ang MU – ay hindi lang malabong usapan.
MU – dahil siguradong M masasaktan YOU sa huli niyan.
Naway panghawakan mo ang iyong kahalagahan…
Hindi bagay sayo ang second option lang kaibigan..
Hindi ka lamesa o silyang…
pwedeng ma i-reserba….
hanggang sa magsawa na siya sa iba,
Saka ka niya babalikan?
Gagawing kang takbuhan nang hindi nagwork out yung una niya pinagkakaabalahan…
Takbo kaibigan! Tumakbo palayo dahil hindi mo deserve yan…
Imulat ang puso at isipan na ang mga bagay na tunay ngang pinapahalagahan… ay hindi tinago sa kadiliman! bagkos pinagsisigawan!
Mahal kita! At ikaw ay ipaglalaban!
Hindi man ako maka-imik ngayon o sa maraming beses sa iyong harapan…
Pero sa presensya ng Dios ang ating tamang panahon ay aking iniiyakan…
Gabi-gabi kong hiningi na ang lakas sa paghihintay akoy patuloy na mabiyaya-an.. at sa dulo tayo… Tayo ang magkatuluyan…
Ipaglalaban kita… Ipaglalaban sa araw at gabing panalangin…
na kahit mahirap man ang paghihintay…sa huli.. ako ay sa iyo at ikaw ay sa akin….
Ipaglalaban ng tama kahit sa sarili… Sa sariling tawag ng laman….Sapagkat ang tunay at puro na pagmamahalanan… ang Dios ang pinakanasisiyahan.
PAGBANGON————–
Bumangon sa nakara-an!
Iwan mo na ang lahat ng sakit na naramdaman!
Isuko mo na ang mga what ifs at pagbabakasaling siya sayo’y may maramdaman.
Ang Pagbabalik tanaw sa mga ala-alang naimprenta sa mga larawan.
O ang gabi gabing facebook profile niya ang pinagpupuyatan.
Tama na! …. Pili-in mong huwag ng masugatan.
Isuko mo na ang pagiging marupok Kaibigan.
Hindi lahat ng paglingon sa nakara-an nakakatulong sa pagabot mo sayong patutunguhan.
Most of the time, Ang nakara-an ay balakid at bumubulag sayo sa mga magandang bagay na nasa iyong harapan.
PAGHIHINTAY—————
Lahat ng sakit at pait ay magkakaroon ng dahilan.
Sa pagdating ng araw na kaharap mo na ang taong para sayo nakalaan.. Si Right One!
Sa mga mata niya makikita mo na ang tunay na pagibig ay totoong walang hangganan.
Mapapawi ang lahat ng sakit na mga bakas ng nakaraan.
Ang lahat ng hirap ng paghihintay ay nagdudulot ng kasiyahang hindi mapapantayan.
Hayaan mong mahilom ang mga sugat sa mga pinakailaliman.
Ihanda ang sariling maging right woman and man.
Sapagkat ang tamang pinto para kayoy magkatagpo ay hindi pa dapat buksan kung ang ihaharap mo ay iyong pusong sugatan.
Yes you deserve si Right One, pero dapat rin ikaw para sa kanya ay maging Right One.
Hindi fairy tale ang tunay na pagmamahalan.
Hindi sa anyo ng isang prince charming o prinsensa ang makakapagsabi na ang storya ng inyong pagsasama ay mapagtatagumpayan.
Hindi nga panglabas na anyo ang basehan!
Pero ang pagiging buo at malusog sa loob at sa labas ay pinaghahandaan.
Buo at hindi wasak na puso at kaisipan.
Ang magandang relasyon ay may kaakibat na spiritual, emotional, mental, physical and financial na kalusugan.
Ito nga ba ay iyo nang pinaghahandaan? Kung ang sagot ay hindi, hindi pa din tamang panahon kaibigan.
PANINIWALA—————-
Ang bagong simula ay muli mong paniwalaan.
Pagkatiwalaan mo ang nagbigay ng iyong buhay at kaligtasan.
Siya na araw araw na pinipintahan ang langit ng ibat ibang uri ng kagandahan.
Maniwala ka Ikaw ay Kanyang pinaglalaban!
Kung kaya mong bilangin ang mga buhangin sa karagatan o ang mga bitwin ay siya ring paghinto ng magagandang plano niya para sa iyo kaibigan…
Sa kanya mo isuko ang iyong storya at kinabukasan.
Tamang tao… Tamang panahon… Tamang relasyon galing sa rebelasyon ng Panginoon…
Ipagtatagpo Niya kayong dalawa! At sa araw na yun uulan ang langit ng hindi dahil sa kalungkutan…
Tandaan mo, sa araw na yun… uulan dahil ang Ama mo sa langit ang unang unang hindi makapag-pigil sa kanyang mga luha ng kasiyahan!
Sa wakas! Nagtagpo na rin!
Ang dalawang tao noon pa man ay plinanano na Niyang mag-iisang damdamin.
At ang kahulugan ng mga linyang ito ay mas lalalim…
Ako nga ay para sa iyo, at ikaw ay para sa akin.