Paano

60

Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Naalala mo pa paano tayo’y nagsimula,

Isa sa mga ala-alang sobrang saya

Mula sa linyahan kong parang gusto ko ng kape

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Bakit nga ba? Para laging makapeling ka

Ilang segundong hindi ka nakasagot,

Ako naman sa kilig ay napabaluktot

Gabi gabi naguusap hanggang madaling araw,

Ang saya sa puso na laging umaapaw

Ikaw ang tanging nagbigay ng masasayang ala-ala,

Na kahit saan ay aking dala-dala

Marami tayong gustong gawin para maabot ang ating mga pangarap,

Ikaw lang ang gusto kong makasama hanggang sa hinaharap

Ako ay lubos na nagpapasamalat sa iyong pagmamahal aking sinta,

Sa lahat ng ginagawa mo para ako ay laging maging masaya,

Hindi man tayo magkasama sa isa sa mga mahalagang araw sa buhay mo,

Palagi mong tatandaan na lagi akong nandito para sa’yo

Handa kang hintayin kahit gaano katagal,

Dahil ikaw lang ang nagiisang mahal

Maligayang kaarawan para sa’yo aking kabiyak,

Ang pagmamahal ko sa’yo ay hindi nasusukat pero tiyak

Balang araw tayo ay magkakasamang muli,

Walang titibag sa atin hanggang sa huli

Mahal na mahal kita 😘

Send me the best BW Tampal!

* indicates required