Ligaya
Categories Poetry

Ligaya

Titulo ng aking tula ay ang iyong ngalan LIGAYA

Pangalan natin dalawa ang nakalathala .

Sa unang tingin hindi ko lubos akalain

Na ako’y sayo at ikaw magiging akin .

Iniaalay ulit ang aking pagibig
Isinasagawa at hindi na puro bibig .

Nagsimula sa katagang ” Kamusta ka ”
Hanggang nagtungo  sa salitang ” Mahal kita ” .
Madaming lumipas na buwan at Taon
Mananatiling ikaw parin ang Inspirasyon .
Madalas man sayo’y Nababaliw

Sa mga oras at panahon ikaw lang ang iibigin ko giliw .

Ako’y nagdulot saiyo ng Sakit
Ngayo’y umaapaw ang iyong damdamin ng Galit .
Noon ay hindi ka napagod na ako’y Ibigin
Ngayon ako naman ang hindi mapapagod na ako’y iyong patawarin .
Noon sa ugali ko’y hindi ka nagsawa
Ngayo’y gagawin ang lahat maibalik lang ang iyong tiwala .

Pagbigyan mo ako sa aking Hiling
Na ikaw ay bumalik aking Piling .
Ako man ay madaming beses Nagkamali
Hindi na hahayaang maulit Muli .
Madaming beses na tayong sinubok ng tadhana
Hindi na hahayaan ang tadhana na ika’y muling Mawala .

Gagawin ang lahat para saiyong ikaliligaya
Wariy’ hindi sasagi sa aking isipan na ipagpalit ka pa .

Ang sakit na aking Naidulot
Hindi na papayag na muli kang malungkot .
Madaming beses man kitang Iniwan
Hindi na makakapayag na ikay iiwan ng hindi sapat ang dahilan .

Umaasa na balang araw makitang muli ang ngiti saiyong mga mata
Masusuklian ko ang pagmamahal mo at hindi na muling Luluha .
Hindi kana muling iiyak
Pagibig mo sakin ay hindi na mabibiyak .
Kwentuhan , Asaran , Lambingan , Tawanan at Kape ng magkasama
Pagmamahalan natin hindi matutumbasan ng kahit na anong halaga

Ngayo’y akin nang tinatapos ang aking Obra
Pagiibigan nati’y kagaya sa libro na nasa huling pahina .

Naghihintay,Hinihintay at Maghihintay
Hindi alam kung mahahakawan ko pa ulit ang iyong mga kamay .
Pina-asa,Uma-asa at Aasa
Hindi sigurado kung ikaw muling makakasama .

Gayon pa man kahit huli na ang lahat
Ikaw ay ikakasal na at akot lubog na nagpapasalamat

Nasa Lupa , Dagat o Himpapawid man
Kahit saang lupalop ng kalawakan .

Ikaw lang Mahal na Mahal kita Ligaya .

-Hari