Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

BAKIT LAGI NA LANG?

  1. Bakit lagi na lang akong umaasa?
    Naghihintay na may tao na makakakita
    Na ako Pala ay may halaga.
    Bakit lagi na lang akong nabibigo?
    Akala ko Siya na Hindi pa Pala…
    Akala ko mayroon Yun Pala ay Wala Naman talaga
    At Minsan Wala Na…nawawala na.
    Ako lang Ang nagbibigay Ng halaga.
    Bakit lagi na lang akong sumusubok?
    Sumusubok na baka Siya na nga Ang laan
    Malay ko ba…na baka dahil sa sumubok ako
    Sa Oras na ito…umubra…
    Pero…kabiguan lang Pala.
    Bakit parang laging Akala lang ?
    Mali Pala talaga Ang maling Akala
    Ngunit bakit nga ba ko laging umaasa,naghihintay,sumusubok?
    Kasi sa tingin ko…tumitibok lang itong
    Malambot Kong puso.
    Pero…Sana sa huli Ang malambot na puso na ito
    Huwag maging matigas sa taong sa akin Pala
    Nakalaan.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required