LIMITASYON SA RELASYON
Categories Relationships

LIMITASYON SA RELASYON

may nakasama, naging katropa, normal lang, wala namang something. nagulat nalng ako na gusto ko na, na makasama sya.

nagulat  ako  na ako ay nikilig, at dumadalas na rin ikaw ang aking bukang bibig. tapos pag nakikita ka, na sobrang ganda, ako ay natataranta at bigla nababago ang aking pag sasalita.

pero nakikita ko na iba na ang dating nito sayo. nahihibang na ako.

Ngayon. tumigil nako, sa kahibangan na nilalaro ng puso at utak ko. tungkol saakin at sayo.

kung saan ang dami dami nitong itinuturo. keso ganito. keso ganyan, nalilito lang ako lalo.

hindi dahil malungkot ang mga naiisip ko. bagkus puro ligaya at kilig na ang nadarama ko. tuwing maiisip kong magkakaroon ng “tayo”.

siguro, maling mali nako, hindi ako sigurado. pero tignan mo. ginagawan ko ng paraan lahat ng bagay. yung ikaw nalang ang umiikot sa aking buhay.

narealize ko din na marami narin akong nadadamay, sinasama ko para makasama ka. di ba. at alam kong nakakahalata ka.

pero feeling ko okay naman to. nung wala pang malisya sa aking puso.

Tapos biglang naalala ko, dati di naman ako ganito, Oo.

noon namay di ko kilala ang isang tulad mo. at di ako baliw na baliw sayo. pero siguro. may mas malalim na pinagmulan to.

pero bago ko halungkatin ang pinag mulan mga ito, gusto kong humingi ng tawad sayo.

patawad, dahil di nako nakakatulong nagiging abala pa ako sayo.

patawad, kase madalas nakukuha ko na yung oras mo na dapat ay inilalaan mo sa priority mo.

patawad kung isa ako sa nagpalito ng mapayapang pagiisip mo, siguro dahil narin sa nakakalitong kilos ko.

hindi lang yon. mga hirit kong punong puno ng meaning, na laging mali naman yung timing.

pagkatapos mga pa superhero kong desisyon, na madalas alam kong nalalaro na yung iyong emosyon.

PATAWAD.

kailangan kong ayusin ito. kailangan na itong ihinto.

kase totoo nyan di lang para sayo, kundi para narin sakin. tulad nito. sa araw araw required kitang isipin, isipin mo yon.

thankful ako kase alam kong guarded ka. pero kahit na. pano naman ako.

asang asa na sa fairytale na ginawa sa isip ko. tapos sa dulo, tutugtog yung “di tayo pwede”. tapos ako lang yung luge! grabe.

alam ko naman na ang mga babae emosyonal, napag nilaro mo ito ay kritikal.

pero nung application na ako yung unang di gumawa,tapos isa pa ko sa mga nag pabaya.

Ayoko na.

siguro ito rin yung dahilan,

gusto ko na mahalaga ako sa iba. dahil kase masaya.

ramdam kong naging napaka makasarili ko na, kahit pagsasakripisyo ang aking pinapakita.

bulok na yung aking agenda. na pag iyong nalaman at nakita, dina maganda.

pero di naman ito yung dulo ng aking resulusyon, dito sa ating sitwasyon.

siguro mas gusto kong mas matuto. pra mas maging better pa para sa sarili ko.

mas lumalim pa ang relasyonko kay God, at mas tumaas pa ang pananampalataya ko kay God.

habang kasama ka sa aking dasal. yung tipong sakin ka maikakakasal. hahhaha biro lang.

pero para kahit “di rin tayo sa huli”. na ayoko sempre.

masaya parin tayo. dahil magkaibigan tayo.

hindi pa ito ang dulo

pero ito na ang simula ko, na itama lahat ng ito.

kase alam ko na marami pang plano si God sakin at sayo.

at dun ako mas excited.

di pa naman natin season para sa gintong relasyon. darating din tayo don.