“LOVE TO A STRANGER”
Categories Poetry

“LOVE TO A STRANGER”

Hindi ko sinasadya ang ating pagkikita na tila talagang pinagtagpo lang tayo ng tadhana. Wala akong masabi kahit isang salita kasi nga ako sayo’y nahihiya. Ngunit ako’y nagpapasalamat sa aking kaibigan na siyang naging dahilan upang magkalapit tayo ng tuluyan. Yung gabing nakilala kita, napagtanto ko na disidido akong makilala ka pa. Ramdam ko ang hinanakit mo nang ikaw ay magkwento tungkol sa nangyayari ngayon sa buhay mo. Nagdaan ang mga araw, wala akong ibang nasa isip kundi ikaw. Isang tanong ang sumagi saking isip kung makikita pa ba kaya kita sa susunod na mga araw’ng lakip. Hanggang nagkita tayong muli at sumaya ang aking puso kahit sandali. Aaminin ko minahal kitang talaga, ngunit hindi ko alam kung ito’y tama ba. Kaya nung tinanong kita kung ano na nga ba tayo, wala ka nang nasagot dahil naguguluhan ka’ng totoo. Alam mong mali ang pagmamahalang ito, ngunit hindi naging mali ang magmahal mapasaya lang ang sarili mo. Kaya kusa na akong nagparaya ng maaga para maiwasan ang matinding sakit kung ito’y magtagal pa. Salamat nga pala, sa pagkakataong ako ang dahilan ng iyong saya. Ayokong ipagpilitan ang sarili ko sa’yo, kaya hanggang dito na lang tayo. Ang isang magkaibigan na nauwi sa magka-ibigan. Sana masaya ka na sa kanya, kasi ako masaya ako para sa inyong dalawa. Ikaw at ako sa isa’t-isay estranghero na nagmahalan sa malupit na mundo, talagang minahal kita paalam sa’yo.