Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Ikaw ang pag-ibig na kailan man ‘di ko inasahan
Sa paraang ‘di rin inaakalang mararanasan
Nagtagpo, nagkakilala sa pambihirang dahilan
Pangyayaring di na kailan pa man malilimutan

Ikaw na marahil ang tugon sa’king tanging dalangin
Dalanging matagal nang ‘di sinasambit nitong labi
Panalanging namutawi, bitbit na lamang ng hangin
Tungo sa lugar saan man dako ika’y nagkukubli

At ngayon nga na ikaw ay aking natagpuan na
Hinding- hindi na muli pang maghahanap pa ng iba
Pagkat nakita na, ligayang hanap sa’yong mga mata
Pagkat nadama na, dalang tamis ng labi mo, sinta

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


At ngayon nga na ikaw ay aking natagpuan na
Pangakong ika’y iibigin nang lubos aking sinta
Pangako kong hindi magsasawa sa piling mo, mahal
Pangako kong pag-ibig sa’yo’y hindi magiging hangal

At ngayon nga na ikaw ay aking natagpuan na
Tandaang ikaw na lamang ang tangi kong mamahalin
Tandaang lahat ng nais ay susundin, tutuparin
Tandaan, mahal, ikaw at ikaw lang ang pipiliin

Send me the best BW Tampal!

* indicates required