Mahal kita
Dalawang salita na kaakibat nito’y ngiti at luha
Na sa bawat pagbigkas mo nito ramdam ko na ako’y isang tala
Isang tala na nagniningning sa tuwa
At umaasang ito na ang sinasabi nilang tadhana.
Akala ko ito na
Akala ko ikaw at ako, wala ng iba.
Na akala ko iba ka sa kanila
Pero ba’t natangay ka ng hangin papunta sa iba?
Ang dating mahal kita ngayo’y pasensya na.
Mahal kita pero pasensya na mas mahal ko siya
Ito ang sumagi sa isipan ko nung iniwan mo akong mag-isa
Iniwan sa isang madilim na sulok na may saksak sa puso
Isang matulis na bagay na hatid ay dugo.
Ngayon ang maningning na tala ay biglang naglaho.
Tanong ko lang,
Pwede bang magmahal ng hindi nasasaktan?
Pwede ba ang salitang mahal kita ay para sa iisang tao lamang?
Hindi iyong katagang mahal kita pero mas mahal ko siya.
Pasensya na kung ako’y nagkaganito
Pasensya na ‘pagkat kay sakit maloko at umasa sa di totoo.
Salamat pala sa panahong naging tayo.
Salamat sa saya at sakit na bigay mo.
Pinagtagpo tayo pero di itinadhana; tadhana’y mapagbiro.
Kaya sa taong nakalaan para sa akin,
Sana’y nakikinig ka, maghihintay ako sa iyong pagdating.