Current Article:

Mahal kita kahit pa, hindi dahil sa.

Mahal kita kahit pa, hindi dahil sa.
Categories Relationships

Mahal kita kahit pa, hindi dahil sa.

Paano ba tayo nagsimula? Para bang kisapmata? Sumulpot ba akong bigla, walang hudyat, walang paalala? Alam kong hindi ka handa. May takot, may alinlangan –  na ang nadarama ko para sayo ay parang malakas na buhos ng ulan; na titila at mang-iiwan.

Patawad kung ‘di kita binigyan ng pagkakataon na mag isip at timbangin ng maigi ang iyong damdamin para sa akin. Kahit takot ka, kahit may pagdadalawang isip kung ito ba’y totoo at magtatagal, sumubok ka parin, para sa atin.

Mahal, nais kong sabihin sa iyo, ako’y panatag sa pagmamahal mo. Nagsimula man tayo na parang “go with the flow”, pag-ibig ko saiyo’y tiyak hanggang dulo.

Mahal kita kahit pa, hindi dahil sa.

Mahal kita kalakip ng mga kahinaan mo.

Kung darating man ang araw na manlalamig tayo sa isa’t isa—, manlalamig lang pero walang mang-iiwan. Alam ko, ipinangako ko, ikaw lang hanggang dulo.

Ikaw ang panalangin ko sa Diyos. Nais ko lamang sabihin sa’yo na wala kang magagawa, hiningi kita Sakanya, akin ka lang kahit ayaw mo na.

Mahal, alam kong hindi palaging masaya. May mga araw na malungkot, at may mga pagkakataong magkakasakitan tayo. Ngunit, sana — babalik parin tayo sa pangako nating “huwag nating susukuan ang isa’t isa.”

Mahal, pag-ibig ko sayo ay parang ulan; na banayad ngunit hindi nakakabasa.

Habang tinutupad mo ang iyong mga pangarap; nandito lang ako para suportahan ka. Mga plano mong nauna bago mo ako nakilala—ipagpatuloy mo lang, maaantay naman kita.

Sa paghingi ko sa Diyos ng tamang tao;

Ikaw ang binigay kahit pa sa panahong di ko inakala.

Nawa’y maging tamang tao din ako para sayo— maging tamang tao sana tayo para sa isa’t isa.

Mahal kita, Raphael. 🤍🦜