Mananatili Ako
Categories Poetry

Mananatili Ako

Ito’y isinulat ko para sa isang tao.
Para sa isang kaibigan na natutunan kong mahalin sa paglipas ng panahon.

Oo.

Natutunan kong mahalin ka.

“Yuck!!!”

Maaaring ayan ang litanya na bibitawan mo kung sakaling marinig mo ito mula sa akin.
At sabay na ipapakita ang ngiting bungisngis.
Ngiti na isa sa naging dahilan kung bakit tuluyan akong nahulog. Nahulog sa iyo.

Alam mo ba?

Natatawa ako sa iyo at natutuwa rin.

Natatawa ako.
Sa tuwing naaalala ang bawat pagkakataon na tayo ay nagkukulitan. Walang humpay na pang-aasar at kontrahan.

Thank you for being my crazy buddy.

Natutuwa ako.
Dahil sa kabila ng lahat na pinagdaanan mo, patuloy kang nananatili at nagtitiwala sa author and perfector of our faith.

You are a warrior princess that called to be a victorious in this world.

At sa paglipas ng panahon, umabot na ako sa punto na nais ko na i-express sa’yo na kung gaano ka kaganda, na hindi ka basta basta.
Na ikaw ay isang prinsesa ng bukod tanging Diyos.

Kaso,

Minsan mo na nabanggit, na sa ngayon, may layunin ka na nais mong abutin. Na nasabi mong kailangan mong tapusin.

Na bago ko pa napagtanto na may pagtingin na ako sa iyo, nasabi mo na ayaw mo muna na pumasok sa isang relasyon.

I respect your decision.
Not just your admirer nor just your friend.
But as a man, as a godly man that I wanted to be.

And I am willing to remain as your friend.

No.

Mananatili ako sa tabi mo bilang kung sino ako.

Through tears and joy, in your rainy season and sunny season.

Even if there is a misunderstanding between you and me.

And even if,

You will have a suitor, o kaya naman ay kasintahan.

Mananatili pa rin ako sa tabi mo bilang “AKO” na nakilala mo.

Na dala-dala ang panalangin na ikaw ay magpatuloy sa paglakad kasama ang Diyos na nagsilbing dahilan kung bakit tayo nagtagpo.

Though, I am hoping that someday, you will be TOTGA in my life.

Not “The One That Got Away”

But “The One That God Allowed”

Pero kahit anong mangyari,

Mananatili pa rin ako sa tabi mo.