Mandirigma
Categories Poetry

Mandirigma

Puso ko’y muli nanamang lumulukso,
Nakagawa muli ng isang tulang may puso.
Hindi ako sigurado,
Pero masaya ako sa bawat segundo
Na tila espesyal ako sa’yo.

Pero salamat sa’yo aking nakaraan,
Natuto na ko kasalukuyan.
Hindi na ako basta basta papadala
Sa mga ganitong pakiramdam.

Nais kong alagaan at bantayan ang puso ko
Maging maingat sa mga desisyon at aksyon
Oo’t minsa’y nadadala sa’yo
Ngunit ngayo’y mas maingat ako.

Patawad kung ganoon man sa’yo.
Dahil ngayon ang gusto ko
Yung sigurado, puro at totoo.
Hindi pasikot sikot, kundi diretso.

Ang dami kong gustong gawin kasama ka
Ngunit nais ko na ikaw ang mauna
Ikaw ang unang lumakad
Humakbang patungo sa puso ko.

Ngunit hindi din sapat ang puro aksyon,
Kailangan din ng mga salita.
Salitang “Gusto Kita” at “Mahal kita”
Na patunay sa mga matatamis na pinapakita

At kung hindi man ako,
Salamat na din sa’yo.
At kung ako nga,
Dalangin ko na ihanda Nya ko’t ihanda ka Nya,
Hawakan Nya ang puso nating dalawa.
Upang kalooban Nya ang sa’tin ay gumitna.
At sa pag-ibig ay pareho tayong maging mandirigma.