Kahapon, nakagawa ako ng sulat
Para sa mga salitang hindi ko maibigkas
Papel at lapis ang gamit kong armas
Sa kasulukuyang tinatahak na landas
Mahal kita, hindi ko maitatanggi
Kasalanan mn o sabihing mali
Mahal kita anumang gawin
Ako mn ay lumipad o may ilog na tatawirin
Tadhana ang natagpuan kita
At sya rin pala ang sisira
Waring mapagbiro ang panahon
Ako ba ay matutuwa? Ang seryoso kong tanong.
Pagitan natin ay dagat
Pero puso ko ay magiging tapat
Mahal kita, hindi ko maitatanggi
Kasalanan man o sabihing mali.