Our Escape

180

Nagsimula ang lahat sa isang kanta

Sa kung paano nabalot ang puso ng saya

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Saya na dulot ng himig ng iyong musika

At hinaplos ang puso sa bawat bagsak ng letra

Sabay sa iyong awit, ang boses mo’y mapang-akit

Nabighani sa damdaming ibinubuhos sa bawat titik

Ibig na ninanamnam habang mata’y nakapikit

Ramdam ang nais mo sa aming ipabatid

Sa iyong liriko damdami’y pinupukaw

Damang – dama ang pag – ibig mong umaapaw

Sa bawat pagtipa ng gitara’y dinadala

Iginigiya sa kanlungang para sa’tin lamang dal’wa

Ang iyong awit sana ay wag nang matapos

Saya sa puso’y ayaw nang matupok

Huwag nang lumisan sa nilikha nating mundo

Kung saan ika’y para sa’kin, at ako’y sa iyo

Subalit sadyang lahat ay may katapusan

Sa bawat pagtatapos ako’y nasasaktan

Muling babalik sa dapat nating paglagyan

Ikaw, sa entablado mong ginagalawan


At ako, isang tagahangang nakamasid lamang

Send me the best BW Tampal!

* indicates required