Masakit pero kailangan
Categories Move On

Masakit pero kailangan

MASAKIT PERO KAILANGAN

 

Ako’y iyong tinalikuran at pansamantalang kinalimutan.

 

Alam mo na hindi ito sa akin madali.

Pero pipilitin kong kayanin kahit mahapdi.

 

Iisa-isahin ang bawat sandali ng ating kahapon na dapat ng ibaon nalang at itapon.

 

Hingang malalim at umpisahan natin sa unang beses na tayo’y magkita.

 

Sinamahan mo ako  sa madilim na kanto at bigla kang nagkwento ngunit di ko masyadong marinig kasi maingay ang paligid.

 

Tinitigan ko nalang ang nangungusap mong mga mata at subukan mo man itago alam kung malungkot ka.

 

Ang sugat na naiwan sayo ng kahapon ang syang rasun ng hindi mo pagbangon.

 

Noon Ang aking panalangin ay iyung muling pag-ahon at pagmulat sa katotohanan na lahat ng nangyayari ay may rasun.

 

Di ako nabigo at ika’y lumago.

 

Ngunit ang bago mo palang simula ay sya ring katapusan ko.

 

Di ko akalain na sabay ng pagtakas mo sa yung mapait kahapon ay sya ring pagkawala ko sa aking direksyon.

 

Di kita pwedeng sisihin dahil ako yung may maling desisyon.

 

Habang ika’y nagkakayod sayong kinabukasan. Ako naman ay nakatitig lang sayo at di ko namamalayan na ika’y masyado ng malayo sa  kitinatatayuan ko.

 

Bawat hakbang mo ay papalapit sa pangarap na pinangako sayo.

 

Ang layo na ng narating mo.

 

Lahat ng atensyon ko’y para lang sayo na nakalimutan ko na mahalin ang sarili ko.

 

Nakalimutan ko na bago ka dumating sa buhay ko kinaya ko.

 

Kaya ngayon kakayanin kung umalis sa kinatatayuan ko.

 

Iaapak ang aking mga paa tungo sa lugar na di pa kilala.

 

Kahit akoy takot handa akong sumagal at sasabayan ko pa ng dasal.

 

Dahil ayaw ko na maging statwa na hindi maka sulong

at naghihintay lamang sayong paglingon.

 

Oo, masakit pero kailangan kung gawin dahil ayaw kung maiwan sa kawalan at manghinayang nalang.

 

Pero salamat kasi kahit di man ako sigurado sa tinatahak ko. Ang mga naiwan mong bakas ang nagsilbing gabay ko.

 

Di mo man ako hintayin sa dulo.

 

Ayos lang dahil alam ko na may mararating din ako.

Sa wakas natutunan kung pahalagahan ang aking sarili.

Sumusulong naku kahit ano mang hamon.

Ang lahat ng sakit na naipon ang syang aking inspirasyon.