Minsan nakakapagod maging malakas
Categories Relationships

Minsan nakakapagod maging malakas

Paggising pa lang sa umaga, ramdam mo na ang masakit na sinag ng araw. Unti-unti mong binalot ng kumot ang katawan mo sabay takip ng mukha gamit ang unan, nananalangin na makakuha ng lakas upang mabuhay at maipagpatuloy pa ang nasimulan. Ramdam mo ang sakit kahit simula pa lang ng araw at pagod sa kakaisip kung saan kukuha ng lakas at pag-asa sa hinaharap dahil tila bumabalik sa isipan ang mga masasakit na nagdaan.

Ngunit heto, ikaw ay bumangon at nagbabakasakaling mabigyan ng lakas ng loob, na sana hindi na mauulit pa ang paglubog at walang takot sa pagharap ng bukas kahit may pag-alinlangan, kahit paman may takot na baka ang puso ay madurog.

Nakakapagod maging malakas.
Pagod na sa paghihintay ng mga sagot sa mga katanungan, sa mga hinahangad
na tila hindi na maibibigay at makakamtan.
Pagod na sa kapapanood ng bawat bahagi ng buhay ni wala man lang magawa bago lumingon ang mga mata.
Pagod ng dalhin ang sarili na may tinding at tatag kung ilang segundo lang ito ay mawawasak.
Pagod na sa pagtimpi sa kung anong tunay na nararamdaman ng puso, lahat ng hinanakit at kalungkutan.
Pagod na akong ngumiti sa pamamagitan ng luha at pagtawa sa kadiliman.
Pagod na ako sa pagkukunwaring malakas at buo kahit ang totoo durog na durog na ang puso ko.

Kung napapagod ka ng ngumiti sa bawat sakit at magpakatapang sa bawat hirap,
Hangarin mo ang umiyak, sumigaw at magtaka sa bawat agos ng buhay.
Minsan nakakapagod ang sobrang lakas.
Pero buti natuklasan mo at umabot ka sa punto ng pagkakaroon ng lakas na loob upang sabihin at isigaw na PAGOD NA PAGOD ka na.