Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

NAIS KONG BALIKAN

Nais kong balikan ang nakaraan at muling maramdaman ang pag ibig na nasimulan.

Nais kong balikan ang nakaraan kung saan kasama kang nag plano para sa ating kinabukasan.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Nais kong balikan ang nakaraan kung saan pinaramdam mo sa akin na ako lang at di mang iiwan.

Nais kong balikan ang nakaraan masasayang ala-ala at halos wala ng katapusan.

Nais kong balikan ang nakaraan na kung saan nangako na ka gagawin mo ang lahat para ako ay lumigaya lamang.

Nais kong balikan ang nakaraan na halos kalimutan ko na ang lahat para lang sa ating samahan.

Nais kong balikan ang nakaraan upang masilayan ang simula natin na masaya at simple lang.

Nais kong balikan ang nakaraan upang mapawi ang lungkot sa aking puso at isipan na tila ako ay mag isa na lamang.

Nais kong balikan ang nakaraan kung saan malaya akong ikaw ay hangkan at halikan.

Nais kong balikan ang nakaraan kung saan tayong dalawa ay nag sumpaan sa harap ng altar na nagmamahalan.

Nais kong balikan ang nakaraan maramdamang muli init ng iyong katawan na ako lang ang iyong hagkan.

Nais kong balikan ang nakaraan ipaalala sa sarili na tayong dalawa ang nag desisyon na tayo ay matali sa pagmamahalan.

Nais kong balikan ang simula upang sa pag tahak ko sa kasalukuyan maisip kong maigi kung saan ako nag kulang.

Nais kong balikan ang nakaraan sana simula na lamang para di na makaramdam ng lumbay na para bang ako ay iniwan.

Nais kong balikan ang nakaraan yung kasama ka kahit na ako ay nahihirapan sapagkat ikaw ang aking kalakasan..

Nais kong balikan ang nakaraan upang hindi mag sisi kundi nais kong panindigan ating nasimulan.

Nais kong balikan ang nakaraan upang isulat mga pangako mo at ito ay di mo makalimutan.

Nais kong balikan ang nakaraan sapagkat nalalaman ko na darating sng araw na ito na tila wala ng katiyakan.

Nais kong balikan ang nakaraan at muli maramdamang ako ay mahal at hindi sasaktan.

Nais kong balikan ang nakaraan para ipaalala sayo na ako man ay may pagkukulang pero ni minsan hindi kita ninais na saktan.

Nais kong balikan ang nakaraan kung saan ang maipadama sayo na ikaw lamang ang nais na makasama sa kinabukasan.

Nais kong balikan ang nakaraan para ikaw ay balaan na mag pakatatag ka at sana huwag kang mang iwan.

Nais kong balikan ang nakaraan at muli pa ikaw ay mahagkan na tila nais na di kana bitawan.

Nais kong balikan ang nakaraan pero hindi yun makatotohanan sapagkat tapos na ang nakaraan.

Nais ko na lamang malaman, ikaw nais mo bang balikan kung paanong pagmamahal mo sa akin ay iyong pinaramdam?

-Moonluna

Send me the best BW Tampal!

* indicates required