Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

NAKAKAPAGOD DIN

Nakakapagod din puro ikaw nalang ang laging yumayakap.

Nakalimutan ko kailangan ko din ng kusang pag yakap.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


 

Nakakapagod din ang panatilihing nakahawak.

Kung ang hinahawakan¬† ay kumakawala’t pumipiglas.

 

Nakakapagod din ang laging nag papapansin para lang bigyan ng pansin.

Kung ang tingin sa ibang bagay pa din nakabaling.

 

Nakakapagod din mag hanap ng atensyon

Ang kalaban ay pag kukusa at tila di sayo nakatuon.

 

Nakakapagod din mag sabi ng nararamdaman.

Sa huli para ka lang kalembang at di ka rin naman papakinggan.

 

Nakakapagod mag paliwanag kasi sa huli ang labas puro sarili lang ang inaatupag.

Nakakapagod mag paliwanag gusto mo lang naman ay pag lingap.

-Moonluna

Send me the best BW Tampal!

* indicates required