Nagdesisyon akong magpuyat at manood ng Netflix. Naalala kita. May matalik na magkaibigan, lalake at babae. Laging tinutulungan nung babae ang kaibigan nyang lalake sa tuwing may nililigawan ito, sa tuwing may problema sa babae, laging nandun ang kaibigan nya. Naalala kita. Naalala ko na kapag nasasaktan ka, nandun din ako.
Patuloy kong pinanood ang palabas. Dumating pala sa puntong muntik na magpakamatay yung lalake dahil sa pagmamahal. Naalala kita. Huwag ka naman sanang umabot sa ganito. Pakiusap kausapin mo na ko.
Ang hindi ko inaasahan sa istorya, ang dahilan ng muntik ng pagpapakamatay ng lalake ay ang matalik nyang kaibigang babae. Mahal na mahal nya ito. Nalaman nya lang sa sarili nya nung huli na, ikakasal na yung babae. Ngunit, hindi sya mahal nung babae tulad ng gusto niya. Taliwas sa inakala ng mga bawat manonood sa simula. Naalala kita.
Bakit ako nga ba ako nag aalala sayo? Mahal nga ba kita? Mahal pa rin nga ba kita mula noong high school? Ito yung mga tanong na naglalaro sa utak ko tuwing naaalala kita at nag aalala ako sayo.
Nag aalala ako sayo kasi kaibigan kita. Nasanay ako na kapag bigo ka sa pag ibig, kinukwento mo sakin. Pero baka nga hanggang dun lang din ang nararamdaman ko, hanggang pag aalala lang. Wala ng pagmamahal tulad ng matagal ko ng tanong sa sarili.
Ang kaibahan natin sa istorya, hindi kailanman na minahal mo ko. Ang kaibahan natin sa istorya, hindi pa ko ikakasal, at wala pa kong minamahal. Ngunit, mas lamang pa din sa puso ko na hindi kita mahal o matagal nang hindi.
Naalala kita. Naaalala mo pa kaya ako?
Naalala kita. Naaalala mo pa kaya ako?