Nakasanayan

Nakasanayan kong lagi kang andyan sa tabi ko,pero darating din pala ang oras na bigla na lang may pagbabago.

Nakasanayan kong lagi kang kausap, pero mawawala na lang din pala ang lahat ng parang bula.

Nakasanayan kong lagi kang nagyayaya kung saan, pero ngayon hindi mo na magawa.

Nakasanayan kong lagi mong pinapalakas ang loob ko kapag lugmok nako sa problema , pero ngayon kailangan kong maging malakas mag-isa kahit wala na ang mga salitang “kaya mo yan!” “smile ka lang!”.

Nakasanayan ko ring makinig sa mga kwento mo… kahit ano na lang pinaguusapan natin di’ba? Mapa-problema at kalokohan palagi nasa ating kwentuhan.

Nakasanayan ko ring maghintay sa’yo ng matagal,kapag sinasabi mong “on the way” ka na. Kahit nauubos na minsan ang pasensya ko.

Nakasanayan ko ring umasa muna sa wala, kasi hindi pa tama ang lahat.

Nakasanayan ko ring maglakbay mag-isa, kasi hindi pa oras para sa ating dalawa.

Nakasanayan ko ring alalahanin na lang ang lahat, kasi lahat ng ‘to ay nasa nakaraan  na lamang.

Nakasanayan ko na ring maghintay sa tamang panahon na ibibigay ng Poong Maykapal, kasi yun ang nararapat.

By Sarah Jane Nacpil

A warrior who fights her battle through kneeling down before His Savior.

Exit mobile version