Nandito Lang Ako
Categories Friendship

Nandito Lang Ako

Ang mga katagang nagpa-kalma sa akin
Ngunit eto rin ang katagang magpapa-dalawang isip
Dapat bang paniwalaan ang bawat salita nito?
Pag isipan muna bago maniwala sa mga ito.

Ano ba ang nararamdaman kapag nasabihan nito?
Masarap ba kahit minsan may nagmamalasakit sa’yo?
O mapapadalawang isip kung totoo ba?
Eh paano kung isang araw lumisan na? Maniniwala ka pa ba?

Kaibigan, wag kang tumingin sa mundo dahil lahat nagbabago.
Walang permanente “dito” kundi pagbabago.
Maswerte na lang kung may tunay na tao na magmamahal sa’yo.
Sila ang tunay na magpapahalaga sa’yo.

Kaibigan, hindi na kailangan maniwala sa mga katagang iyan.
Kung ang mga taong nagsabi ay “hindi makatotohanan”.
Sabi nila, ang kilos ay mas mainam kaysa sa salita.
Alam mo ba kung sino ang tunay na magmamahal kahit iniwan ng lahat?

Siya ang ating Ama sa langit. Hinding-hindi ka Niya iiwanan.
Kahit ilang beses mo pa talikuran, hinding-hindi ka Niya iiwanan.
Kahit ilang beses mo pa binigo, hinding-hindi ka Niya bibiguin.
Mas mahal ka Niya kaysa sa mga taong nagbigo at naging bunga ng iyong pagkabigo.

Nandito lang ako, ayan ang sabi ng Ama sa langit.
Wala akong ibang hangad sa’yo sa buhay kundi ika’y mapa-buti.
Kaibigan, maniwala ka sa Ama natin
Nandito lang ako, habang-buhay.