Nag-simula ang lahat sa isang pribadong mensahe sa FB,
May itinanong ka at ‘yon ay simpleng sinagot ko,
Parang wala lang naman talaga ‘yong aking mga sinabi,
Hanggang sa napunta ang usapan sa maraming kwento.
Lumipas ang araw ikaw ay naging kaibigan ko sa social media,
Parang kapatid sa pananampalataya ang turing sa isa’t isa,
Mga chat natin ay may tawanan at minsa’y pikonan,
Hanggang sa napunta ang nararamdaman sa hindi inaasahan.
Nang napag-isip isip ko na ito’y mali ay sinimulan ko ang katahimikan,
Ayokong mag-taka ka o mag-tampo ngunit dapat na natin ‘tong tigilan,
Mga mensahe mo ay pa-ulit ulit ko ng ‘di ni-rereplayan,
Seen-mode at deadma-mode ang solusyon na aking naisipan.
Ang lahat ng mga mensahe mo ay aking binura,
Pero nakakainis bakit sa isip at puso ko hindi ka mabura-bura,
Kaya’t napag-desisyunan kong iwanan muna ang social media,
At ilaan ang atensyon ko’t oras sa paglilingkod ko sa Diyos Ama.
Gano’n talaga, kailangan kong mamili kung ano ang mas mahalaga,
AYOKONG UMASA AKO, AYOKONG UMASA KA RIN,
Sana magkalimutan na tayo, sana hindi tayo magkita,
Hanggang social media lang ang lahat,
natapos na sa “UNFRIEND”.