Mga taon ay nagdaan,
Napungaw na ng panahon ang ating nararamdaman,
Hinahangin ang oras at bawat sandali,
Maayos pa kaya natin itong muli?
Hindi na maramdaman ang puso,
Pusong dapat na naguumapaw sayo,
Bakit tila hindi na makita ang halaga mo,
Pusong sayo’y inilaan ay unti unting sumasarado,
Naubos na ang bumabagang apoy,
Hindi na kaya pang ituloy,
Ako’y tila nalulunod sa walang hanggang kumunoy,
Naghihingalo ang pusong tumatanghoy,
Matagal din kitang minahal,
Ngunit ito na ata ang ating huling hantungan,
Ang oras nang katapusan ay dumatal,
Damdamin natin sa isa’t isa’y dapat ng wakasan,