Wala ka na pero bulag pa rin ako
Sa katotohanang hindi ikaw ang tamang tao
Minahal ka at sinubukang mabuo
Na kahit sarili ay handang ipagkanulo

Wala ka na pero nandito pa rin ako
Sa mga alaala’y hindi makatakbo
Hindi maalis ang pagkalito
Kung bakit ika’y umayaw at lumayo

Wala ka na pero naghihintay pa rin ako
Na ako na mismo ang mapagod at sumuko
Pero hinahanap pa din yung dating tayo
Kahit napako na ang mga pangako

Wala ka na pero umaasa pa rin ako
Na ang sakit kinalauna’y maglalaho
Sa ngayon ay pupulutin muna ang mga piraso
Hanggang sa ako na ang muling mabuo