Huwag mong itago.
Kung hindi ka niya gusto,
Wag mong ipagsabi na binigyan ka niya ng motibo.
Puta yang Ego mo.

Nananahimik siya sa isang tabi.
Ikaw yung lumalapit.
Ikaw yung may pahiwatig.
Ikaw itong nagpumilit.

Bakit sa huli siya itong masama?
Motibo. Ano bang ibig sabihin sa’yo ng salitang ito?
Hindi ba pwedeng nung panahon na yun pilit niyang sinusubukan?
Kaso napagtanto niyang dapat sukuan.

Hindi niya maiwasan ang mga senyales.
Hiningi niya yun mula sa langit.
Hindi pwedeng hindi pansinin.
Hindi maaaring balewalain.

Hindi kasi kayo pwede.
Hindi kayo ang para sa isa’t isa.
Yun yung ilagay mo sa utak mo,
Yun ang sabihin mo sa mga kaibigan mo.

Hindi yung sasabihin mo na binigyan ka ng motibo
Pero iba pala ang gusto.
Gago, gago!
Wala siyang gusto.
Hindi ka lang talaga niya gusto.