Tanggap ko na… sana.

102

Hindi na ako nasasaktan pag naaalala ka.
Hindi na kita naiisip pag nakakarinig ako ng magandang kanta.
Hindi na ako naiiyak kapag napapag usapan ka.
Hindi na rin ako nangangarap na sana bumalik ka pa.

Tanggap ko na…
Na wala nang holding hands at tawanan.
Wala nang piggy back ride kapag baha ang daan.
Wala nang magluluto ng masarap na hapunan.
Wala nang mag aayos ng naputol na sampayan.

Hindi na nahihilam sa luha ang aking mga mata.
Tanggap ko na, na tapos na ang lahat sa ating dalawa.
Tanggap ko na rin na meron ka nang iba.
Tanggap ko na.. pero Mahal…
Mahal, masakit pa.