Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Nakaupo ako ngayon sa bus. Babyahe ng limang oras para sayo. Hawak hawak ang mga gamit mong iningatan kong wag maulanan at isasauli ko.

Nakaupo ako ngayon sa bus.. Walang kain at walang tulog ng maayos mula nang magpasya kang bumitaw sa ika dalawamput limang beses. Napakalaki kong tanga para sumakay sa bus na ito pero ano pa nga ba, andito na ako.
Nakaupo ako ngayon sa bus habang iniisip kung anong sasabihin pag nagkita tayo.

Nakaupo ako ngayon sa bus na papunta sayo upang tuluyan nang lumayo.
Nakaupo ako ngayon sa bus at iniisip kung maayos pa ba tayo? Hahayaan mo ba akong tuluyang mawala sayo? Hindi ba ito ang gusto mo?

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Nakaupo ako ngayon sa bus at nagdadalawang isip kung bababa na ba ako?  Malaking pagkakamali ba na sumakay pa ako?
Kung makikita mo ba ako magbabago ang isip mo? Yayakapin mo parin kaya ako?

Nakaupo ako ngayon sa bus papalapit sayo upang magpaalam at tuluyan nang lumayo.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required