Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

-Ang baduy ng suot nya. Ang taas ng medyas, ang ikli ng shorts. Nu ba yan!

Kapag po ba hinabaan nya ang suot na shorts at iniklian ang medyas, hindi na po ba sya baduy?

-Ano ba yan? pinag aaral ng magulang, puro pag ibig ang pinaiiral. Walang kwenta to!

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Kapag po ba nag aral sya ng mabuti at hindi na inuna ang pag ibig, may kwenta na po ba sya?

-Kainis to. Sinabi na ngang huwag magpacute sa crush ko eh. yan tuloy, kayo pa nagkatuluyan! Hindi ka marunong makisama!

Kapag po ba hindi sya nagpa cute sa crush mo at kayo ang nagkatululuyan, marunong na po ba sya na makisama?

-Pwede ba? maging propesyonal ka naman. paulit ulit na lang sinasabi sayo yan, paulit ulit ka na din nagkakamali. Kailan ka ba titino, ha?

Kapag hindi po ba sya nagkamali, propesyonal na sya?

-Ano? hanggang diyan ka na lang? hindi mo ba maipasa pasa yang board exam mo? Ilang beses ka na nag take ah! Di ka tumulad dyan sa kuya mo, pasado agad! Napakahina mo!

Kapag nakapasa na po ba sya, hindi na sya mahina? malakas na po ba sya?

-Ano, sino mas mahalaga sayo? ako na kapartner mo? o yang mga kaibigan mo? Akala ko ba mahal mo ako? Ano ba naman to. Kailan ba ako magiging masaya sayo?

Kapag po ba ikaw na lang ang inisip nya sa araw araw at kinalimutan ang ibang tao para sayo, magiging masaya ka na po ba sa kanya?

-Kadiri ka. Di ka na nahiya. ang dumi dumi nyan sa katawan, nilagay mo pa. Hindi mo kinagwapo yan.!

Kapag po ba pinabura nya sa katawan nya yun, gwapo na po ba sya?

-Kaartihan mo lang yan. Kinakalaban mo lang sarili mo. Depress depress! Manahimik ka! Ano, magpapatalo ka dyan? Ano ba to! Wala ka ng naiambag!

Kapag po ba tinago nya yung depression nya, may naiambag na po ba sya?

Mga pananalitang hindi mo maintindihan. Mga pananalitang sisira sa damdamin mo. Sa tingin ng iba, kapag ginawa mo ang gusto nila para sayo, you will become a better person regardless kung paano nila ito sasabihn sayo. Standard daw kasi.

Pero teka, you dont exist just to satisfy others. You were born with a design. A perfect design of a perfect God.

The bible says, Listen to advice and accept discipline, and at the end you will be counted among the wise. Many are the plans in a person’s heart, but it is the LORD’s purpose that prevails. Proverbs 19:20-21

May purpose si Lord. So kung ano man ang nangyayari sayo, may PURPOSE SIYA. Wag mong maging basehan ang sasabihin ng iba. Masterpiece ka ni Lord. Anak ka Nya. At wala Syang anak na hindi nagtagumpay.

Hinusgahan ka?
Wala ka raw kwenta?
Hindi mo daw kaya?
Hindi ka na daw makakaahon?
Wala ka na daw naiambag?
Puro ka daw kapalpakan?
Hindi raw sya masaya sayo?
kalat ka?
Hindi mo na kilala sarili mo?
Pagod ka na?

NO! deception yan! Hindi yan totoo! May makikinig sayo! May halaga ka! May laban ka! May magagawa ka! May naiambag ka! May naniniwala sayo!

Hindi nagkamali ang Diyos sa pagkakalikha sayo. Hindi man ngayon ang panahon mo, ISANG ARAW, GUGULATIN MO ANG MUNDO SA KAMANGHA MANGHANG BAGAY NA GAGAWIN SAYO NG DIYOS! you just have to be still. May mga sagot sa tanong mo. Hintayin mo lang na dumating ito sa tamang panahon. KAPAG ANG MGA BAGAY NA NANGYARI SAYO KAHAPON AY IPINAGKATIWALA MO SA PANGINOON, PASASALAMATAN MO YAN NGAYON.

Sa mga nanghuhusga diyan, hindi ka inangat ng tadhana para manapak ng iba. Tandaan mo na katulad mo, may plano ang Diyos sa buhay nila. May pangarap yan, may damdamin, may kailangan. May nararamdaman, may inaasahan, may tumitingin dyan, may umaasa dyan, may naiinspire yan.

Ikaw! Oo ikaw, may purpose si Lord. Minsan kamang nagkunwari sa sarili mo na ok ka lang, alam ni Lord ang laman ng puso at isipan mo. Gusto Nya na magtagumpay ka. Fight and win!

Ngiti na!

Sa tulong ng Diyos, may ipapanalo ka pang laban!

Send me the best BW Tampal!

* indicates required