Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Hindi tayo pwede

Una pa lang, hindi na pinahintulutan ng oras at distansya
Pero sinunod pa din ang puso, para sa ikasisiya nito
Dumaan ang mga araw, buwan, naging masaya tayo
Buo ang tiwala sa isa’t isa
Nabibigyan ng oras ang isa’t isa
Inintindi sa mga panahong hindi kaya ng oras
Hanggang sa hindi mo na kaya ang hinihingi kong oras
Oras na makausap ka, kahit marinig lang ang boses mo
Hanggang sa napagod na ko
Hanggang sa napagod ka na rin
Napagod na tayo
Nasasaktan na tayo
Pero sino nga ba ang unang bumitaw?
Ikaw ba?
Ikaw ba na nagsabing saglit lang, parang hindi pa tayo dapat ganito
O ako ba?
Ako ba nagsabing sige itigil na natin ito
Ako ba na humiling na bumalik na lang tayo sa dati
Sa dati na matalik tayong magkaibigan
Ngunit hindi iyon ang nangyari
Hindi tayo bumalik sa pagiging magkaibigan
Naging estranghero tayo sa isa’t isa
Hindi na kita kilala
Hindi na tayo nag usap
Pero isang araw kinausap mo akong muli
Hiniling na makita mo akong muli
Ang kasalukuyan kong puso ay ayaw ka nang makita
Ngunit inalala ang dating puso na gusto kang makita
Ang puso ko noon na gustung gusto kang makasama ng personal
Masaya akong makita ka sa wakas
At sa iyong muling pag alis, inakalang maayos na tayo
Inakala ng puso kong magkaibigan tayong muli
Ngunit anong nangyari
Parang walang nangyari
Parang hindi tayo nagkita at nagkakwentuhan
Hanggang sa sinabi mo
Hanggang sa sinabi mong
Huwag na kitang kakausapin pa
Ang dami kong tanong
Bakit?
Anong ginawa ko?
Kala ayos na tayo?
Magkaibigan uli tayo?
Naghintay ako, ilang linggo
Ngunit wala kang sinagot
Hanggang sa inalis na kita sa buhay ko

Isang taon na ang nakakalipas
Pero araw-araw pa din kitang naiisip
Pero ayaw nang makausap kang muli
Hindi na papayag na bumalik ka sa buhay ko
Dahil ayokong kalabanin ang oras at distansya
Hindi ako makapagmahal muli
Hinihiling sa Panginoon ang paghilom ng puso
Para tuluyan nang lumigaya

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Dahil hindi tayo pwede

Send me the best BW Tampal!

* indicates required