Ninja
Categories Poetry

Ninja

Si Kuyang Ninja, nais manligaw kahit may kacool-off pa

Nagsabi ka na nung una na hindi matatanggap ang pagibig na alay niya

Ngunit iba din magisip si kuya

Akala niya ata ang nais ko ay tuluyan siyang makipaghiwalay upang magkaron siya ng pagasa

Nagsabi pa na ako raw ay maghintay lamang dahil ang “kami” ay mangyayari na

 

Si Kuyang Ninja, kung makipagusap akala mo, ikaw lang at wala ng iba

Ngunit ng aking sinabihan na hanggang kaibigan lang

Naging kabute na susulpot kung kailan lang siya pwede

Kahit sa simula pa lang, hindi na ako umaasang magtatagal ang nasimulang pagkakaibigan

Nakakapanghinayang lang na mawawala ito ng ganun ganun lang

 

Si Kuyang Ninja, kinausap ko ng realtalk para matauhan

Ang nangyare? Ayun lumayo na ng tuluyan

Hindi na nagparamdam na parang wala lang

Siya ba talaga ay nasaktan? O dahil alam niyang wala siyang pagasa sa pakikipaglandian?

Dapat bang manghinayang sa nabuong pagkakaibigan?

O wala naman talagang “kaibigan” dahil ang nais lamang niya ay isang “kalandian”.