Mga bagay na nakakapagpabagabag

  1. Naka-online siya pero hindi siya nagchachat. 
  2. Na-seen niya stories ko sa ig pero hindi pa rin siya nagchachat. 
  3. Ako last na nagchat sa kanya, pero bakit hindi niya pa rin nirereplyan?
  4. Dapat ba kong magpapansin sa stories ko para makapagcomment siya?
  5. Dapat ko na ba siyang i-chat kahit hindi pa siya nakakapagreply sa chat ko sa kaniya kahapon?

Mga bagay na hindi na dapat pinag-iisipan pa.

  1. Naka-online man siya, hindi ko siya papansinin. 
  2. Ang stories ko sa ig ay hindi lamang para sa kaniya. 
  3. Kung hindi siya magrereply, fine. I have my dignity and self respect. 
  4. Gawing makabuluhan ang ig stories para sa sariling kaligayahan at hindi para sa kasiyahan ng iba. 
  5. Magtira ng kahihiyan sa sarili. Ang mga taong hindi sa iyo naglalaan ng oras at panahon ay hindi rin dapat pagkaabalahan pa. 

Mga bagay na pinipilit mo pa rin. 

  1. Naka-online siya, baka pwedeng isang chat pa. 
  2. Na-seen niya stories ko sa ig, baka concern pa rin siya sakin. 
  3. Baka busy lang siya kaya hindi pa siya nakakapagreply. 
  4. Mag-a-ig story ako ng bagay na makakarelate siya. 
  5. Last chat ko na talaga ito sa kanya.