no closure is a closure itself?


” iniwan niya ko ng hindi ko alam yung dahilan walang closure, walang explanation ”

Noon sabi ko kung mang-iiwan man siya sana may closure man lang para kahit papaano yung pinagsamahan namin matapos sa maganda, sa maayos, sa mas better at hindi darating yung mga araw na iisipin ko kung saan ako nagkulang, saan ako nagkamali o hindi ba ko naging importante kahit konte?

Siguro nga di lahat ng tao kelangan nang closure no closure is a closure? yes it is.

Hindi natapos sa maganda yung relasyon niyo kasi natakot kayo takot na sabihin yung totoo at takot alamin kung ano yung totoo.

Nakakatakot nga malaman kung ano ba yung totoo, natatakot na isang araw humarap ka sa kanya, o kung paano ka pa uli makikipag-usap.

Natatakot rin siya, natatakot na sabihin sayo yung totoo kasi alam niya na masasaktan ka kaya. Nahihiya sila kung paano humarap sa taong alam nilang iiwanan nila kaya mas pinipili na lang nilang lumayo, iwan ka at maging malaya.

Pero hindi sila malaya, hindi sila malaya sa katotohanang nakasakit sila, natakot sila at hindi sila malaya sa alaala na dinulot nila sa iba. Parehas kayong hindi malaya. Ikaw na hindi malaya sa mga tanong na walang sagot.

Lilipas yung mga araw, linggo, buwan at taon darating yung panahon na magkikita kayo para itama lahat ng mali, linawin lahat ng bagay-bagay at kapag dumating yung araw na yun sana magaling ka na, magaling ka na sa sugat na dinulot niya at sa mga alaala na iniwan niya.

By Jeyugh

isang sikolohistang gusto lamang ng kausap at ng kape?!

Exit mobile version