Mga nakasanayan natin unti unting nawawala. Mga nakasanayan na kapag nagbago ay may dahilan at may mga tanong na papasok hanggang sulok ng iyong paglunok ng mga alaalang ikaw na lang ang may alam. Paghihinala, Pagdududa, Paghahanap ng kasagutan, Paghahangad ng impormasyon at Pagkalap ng mga pagbabago. Mga katanungan na paulit ulit mong naririnig mula sakanya ngunit galit , masasakit na salita at pagkawalang gana ang kanyang matatanggap. May mga bagay na hindi natin dapat ikasanay may mga taong ibibigay lahat ng paulit ulit at unti unti ka nyang babaliwalain hanggang sa ika’y malubog at malugmok sa isang relasyong ikaw lang ang may gusto. Papakiligin, Pasasayahin, Pahahalagahan at Paiibigin sa isang relasyon na puno lang pala ng imahenasyon.

Sa bawat araw, linggo at buwan na pagtagal ng inyong relasyon nakatanim sa kanyang isipan na muling babalik ang masasaya, matatamis at mga nakakasabik na pagsasama. Unti unti nyang hinihilom ang sugat na kanyang natamasa at mga tanong na kanyang iniipon na para sa sarili na lamang. Mga paulit ulit na tanong na unti unting nababawasan hanggang sa nawala at naging tahimik ang mundong dati ay puno ng matatamis at masasayang alaala.

Mundo ng iyong relasyon na napuno ng katahimikan, pagiging tradisyonal, puno ng paglilihim at mga araw na akala mo ay ka’y saya ngunit binabalot ng katahimikan ang puso at isip nyang puno ng katanungan. Unti unti nyang pag iwas hanggang sa ika’y magkakaroon ng katanungan kung anong nangyari sa relasyon na aming sinimulan. May mga katahimikan na dapat binabasag ng katotohanan. Mag lalayo sayo ng puso nyang puno ng puot at pagkasakit sa relasyon na pinadama mo ang isang makulay na imahenasyon. Pagsisisi na iyong madarama hanggang sa iyong mapagtatanto kung anong dahilan ng iyong pagbabago na nag dulot ng paglayo ng taong nagmamahal sayo ng sobra at totoo. Ika’y muling babalik ngunit sya’y wala ng balak bumalik sa dating makulay na relasyon na paglaon ay puno na lamang ng imahenasyon.

 

-Jaja