Paalam

Nung una kitang makita alam kong ikaw na. Nung ika’y nakilala sabi ko lord eto na. Mahal kita mahal mo ako yun lang pla ang akala ko. Pinakilala mo ko sa magulang mo sabi mo tayo na hanggang dulo pero bakit nagtapos nlang sa ganito? Bumuo tayo ng pangarap na nais kong matupad pero sa isang iglap, pangarap na yun ay iyong winasak.
Nangako ka na hindi ka magbabago, hanggang sa nalaman ko pinagpalit mo na pala ako sa bago mo. Binigay ko naman ang lahat pero bakit di pa rin sapat?
Niloko, tinalikuran, sinaktan. Bakit mahal ko? Ano bang nagawa ko? Nagkulang ba o sumobra sa pagmamahal na binigay ko para ako’y pagsawaan, para ako’y lisanin mo? Tinanggap ko ang kamalian mo. Hindi, tinanggap ko lahatlahat sayo. Tapos malalaman ko ang mahal mo ay di pala ako. Ano ba ang akala mo? Ako’y laruan na pwede mong paglaruan? Itapon nlang pag hindi mo na kailangan. Gusto kong lumaban, gusto kita ipaglaban kahit alam ko sa laban na to uuwi akong luhaan. Pasensya kana. Gusto ko nang magpahinga dahil ang puso ko ay pagod na pagod na. Mahirap lumaban ng nagiisa kaya ngayon ako ay suko na.
May mga bagay talaga na sa una lang masaya, dadating din pla yung panahon na masasabi mong tama na masakit na.
Basta mahal ko ako’y magiging masaya, makita lang kitang masaya kahit nasa piling kana ng iba.
Paalam mahal, malaya kana.

Exit mobile version