Paalam Muna, ngunit Di Na Babalik
Categories Poetry

Paalam Muna, ngunit Di Na Babalik

Paalam muna sa aking pag-alis
Ito'y sandali lamang, at ako'y babalik
Wag kang maiinip pagka't babalik rin ako


Pinanghawakan ang mga salitang ito, subalit...

Isang malaking imahinasyon lang pla na akala natin ay katotohanan
Iiwan mo pala ako nung mga panahong magulo na

Akala ko ika'y magbabalik na tila ba ako'y naghihintay lamang sa hangin nang may pag-asa,

Ngunit wala palang magaganap na pagbalik

At, hinayaan mo lang akong masaktan ng mag-isa sa iyong pag-alis

Nagpaalam ka man lang sana na hindi mo na kayang lumaban pa

Sinabi mo sana sa akin na hindi ka na babalik para hindi na nagsasayang ng oras maghintay pa

Dahil nang makilala ka, ang buong akala'y hindi mo hahayaang masaktan

Ang tanging hiling ko lang naman ay ang makapiling ka habambuhay kahit magulo na

Sinabi mo pa na kahit masakit na, mananatili ka pa rin

Nangako ka na lalaban ka kahit anong mangyari, masaya man o malungkot

Nangako ka pa na hindi ka magiging katulad ng mga nanakit na sa akin

At, ayaw mong nakikitang nasasaktan ako 

Ngunit, bakit?

Bakit andali mo lang kalimutan lahat ng masasayang alaala nating dalawa?

Bakit hindi pinahalagahan yung mga mahirap na pinagdaanan na parehong nilakbay nang magkasama?

Bakit pinangakuan mo ako na babalik ka?

Bakit binigyan mo ako ng pag-asa na tila'y imahinasyon lang pala?

Paalam na dahil,

Lahat ng pinangako ay winasak mo lamang ng isang iglap

At, ang iyong pagbalik ay mananatiling isang imahinasyon na akala'y katotohanan