Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

“Paano kung itinakda na ikaw at ako” “Paano kung nakilala mo na ko noon” 

Siguro mas masaya tayo ngayon at nagagawa nating mag explore sa kung saan natin gusto.

Siguro nasa stage na tayo ng buhay natin na mag settle at gumawa ng pamilya na gusto nating magkaroon.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Siguro nasa iisa tayong bubong at bumubuo ng mga pangarap na alam nating mangyayari basta mayroong ikaw at ako.

Siguro mayroon tayong isang araw na itinakda kung saan nagsimula yung “TAYO” at uulit ulitin hanggang sa tumanda tayo.

Kay sarap siguro mangarap sa mga panahong ikaw yung kasama. Tawanan, harutan at kwentuhan kasama ng pagbuo ng mga pangarap na kapag tayo ang magkasama ay walang mahirap.

Gagawa tayo ng listahan ng mga bagay na gusto nating gawin na tayo lang ang nakakaalam.

Siguro nasa tabi mo ako ngayon nakasandal ako sa balikat mo habang natutulog.

Siguro sa tuwing gigising ka ako ang makikita mo, ipagluluto ka bago ka pumasok sa trabaho.

Mga siguro na alam nating hindi magkakatotoo dahil mayroong sya sa buhay mo. At mayroong sya sa buhay ko.

Mga Siguro na hanggang siguro na lang kasi nahuli tayo sa biyahe na dapat ikaw ang kasabay ko.

Sa bawat pintig ng puso ko nalilito ako kung saan ako tutungo sa dakong sakanya o sa dakong sayo. Ngunit ang alam ko ikaw ang gusto ko.

Siguro ngayon tayo pinagtagpo kasi alam ng panginoon na pwedeng maging ikaw at ako ngunit sa sandaling oras at maling pagkakataon.

Sinusulit ko na lamang ang oras na ikaw ang kasama ko at pinakikinggan ang bawat pintig ng puso mo.

Siguro kung ikaw at ako rainbow na ang kulay ng mundo. Dahil mapupuno nito ang mga litrato ng ikaw at ako.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required