Naaalala ko pa, panahon na ika’y nakilala
Nagdudulot ng ngiti sa aking mga labi
Mga matatamis na mensahe sa bawat sandali
Oh anong nangyari sa magagandang ala-ala
Ako’y umasa sa tamis ng bawat salita
Salitang nagsasabing maniwala ka sa forever
Lakas maka kilig kaya’t di maka get over
Ngayon, salitang “Mahal kita” ay akin nalang ginugunita
Ganito pala kahirap at kasakit
Dulot ng ipag-ibibigan natin ay pait
Bandang huli’y, naiwang humihikbi
Di na masilayan ngiti sa aking labi
Dito nagtatapos, ang masayang kwento
Dahil ikaw ay hindi nakuntento
Naghanap ng saya sa piling ng iba
Anong meron siya na wala ako, diba ?
Isang istorya na noon ay may buhay
Nagsimula sa “Hi” nagtapos sa “Aray”…