Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Di ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng pananabik.
Wala ka pa sa tiyan ng magiging mommy mo.
At di ko pa din nakikilala ang magiging mommy mo.
Kakaibang pakiramdam ang aking nadarama.
Ngunit ako’y nasasabik na mahagkan ka.
Hindi pa ako handa sa pagdating mo sa karamihan ng mga aspeto.
Hayaan na muna ang Panginoon na ituwid ang landas ko.
Marami pang dapat alamin upang maihanda ang puso.
Hayaan na muna ang Panginoon na turuan akong lumayo sa tukso
Nang sa gayon ay hindi mapaaga ang pagsilang mo sa mundo.
Nais ko na ika’y mabuo sa pamamagitan ng pagmamahalan na dalisay at buo.
Syempre sa nag iisang magiging mommy mo.
Hayaan na matutunan ni daddy na ang mga problema ay idaan sa ngiti
Para sa pagdating ng mga madaling araw at hatinggabi
Masaya kaming babangon upang palitan ang diaper mong mapanghi.
Hayaang matutunang magpasensya at magtimpi
Para sa pagdating ng mga araw na sobrang kulit mo ay di ka magulpi.
Ayokong iparanas sayo ang di buong pamilya.
Kaya ipinapanalagin ko sa Panginoon na kami ng magiging mommy mo ay lubos na maihanda.
Handa na harapin ang hirap at ginhawa.
Sama sama tayong sasamba at magpupuri sa Kanya.
At yan ay para sa aking magiging anak.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required