PARA SA BABAENG MAMAHALIN AKO.
Categories Relationships

PARA SA BABAENG MAMAHALIN AKO.

Hindi ko pupurihin sarili ko

O magbubuhat ng sariling bangko,

Dahil alam kong maraming tao ang lalapit at makikiusap sa’yo na huwag ako.

Matanda ka na, alam mo na ginagawa mo,

Hanggat maaari, sundin mo sila,

‘Wag ako.

Maraming dahilan o rason kung bat wag ako.

Gusto mong masaktan at umiyak?

Gusto mong mag-antay ng  matagal habang nag-aayos ako?

Gusto mong maglakad?

Gusto mo ba ng simpleng buhay at lutong bahay?

Gusto mo bang paulit ulit na may mangungulit sayo?

Nakakasakal diba? Kaya nakikiusap ako,

Para sa babaeng mamahalin ako, wag ako.

Sumunod ka sa sasabihin nila,

Paniwalaan mo sila,

Alam nila kung ano o sinong mas makakabuti sayo.

Mali pala,

Alam nila na hindi ako ang makakabuti sa’yo.

Yun lang yun.

Hindi ko din sisiraan sarili ko,

Ayaw kong masaktan kita.

Ayaw kong may tutulong luha sa iyong mga mata na ako ang may gawa,

Ayaw kong umasa ka na lagi tayong masaya,

Dahil limitado lang ako kayo ko,

Hindi ako gwapo,

Hindi ako mayaman,

Hindi ako matalino,

Kaya nakikiusap ako,

Wag ako.

Hindi ko kayang tapatan ang iba,

Tanging alam ko lang ay yung mga bagay na naniniwala akong ikakasaya mo.

Mga simpleng bagay na alam kong mananatili sa puso mo at magpapangiti sayo.

Malambing ako, oo. Pero mabibigay ba ng lambing ko lahat ng gusto mo?

Wag ako.

Para sa babaeng mamahalin ako,

Bakit ako?

Di mo kelangang sumagot,

Pero handa ka ba?

Handa ka bang masaktan at umiyak?

Alam nating parte ng pagibig ang sakit at luha.

Masasaktan ka at luluha pero di kita iiwan, nasa tabi mo ako, pupunsan iyong mga luha.

Handa ka bang mag antay ng matagal?

Hindi ako gwapo o mayaman pero gusto ko namang maging presentable sa paningin mo.

Handa ka bang maglakad?

Maglakas kasama ako, tawanan, kwentuhan, tungkol sa kahit anong bagay, magkahawak ang ating mga kamay,

Ramdam nating dalawa ang saya at galak na

tayo’y magkasama.

Handa ka bang mamuhay ng simple?

Paglulutuan kita,

di ako magaling sa gawaing bahay,

Pero sana yung aabutin ng makakaya ko mapapaibig ka habambuhay.

Gusto mo bang laging may nangungulit sayo?

Magpapapansin,

Ngingitian, sasayaw,

At kakantahan kita kahit na alam kong parehonf kaliwa mga paa ko at hindi maganda boses ko.

Oh, handa ka na ba?

Kaya mo ba?

Wag ako.

Nakikiusap sila.

Marami na kong pinagdaanan,

Ilang beses ng nasaktan,

Paulit ulit na iniwan,

Di man halata, pero sanayan lang yan.

Sundin mo sila,

Di lang para sayo,

Dahil ayaw ko na ding umasa’t masaktan,

Paniwalaan mo sila,

Dahil pagod na akong iwan at lumuha,

Para sa babaeng mamahalin ako,

Kung kaya mo, kung handa ka,

sinasabi ko sayo,

May topak ka.

Pero kung hindi ka pa handa,

Dahil kahit na gaano ako kabuti o kasama,

Mauuwi at mauuwi ka sa puntong,

Sana naniwala ka na lang sa kanila,

Para sa babaeng mamahalin ako,

Kung handa ka na,

Andito lang ako.

Kung hindi pa,

Nagmamakaawa ako,

Wag ako.